Ano Ang Inaasahan Mo Sa Ating Pangulo?





valenciakatherine26@gmail.com                     

                Ano Ang Inaasahan Mo Sa Ating Pangulo?

The Philippines with it's newest 16th President, Rodrigo Roa Duterte! Now proclaimed!
            Pangulo, pinuno ng isang bansa. Tumatayong magulang at lider ng isang bansa. Maituturing na isang ihemplo ng bawat mamamayan. Bilang kataas-taasan, marapat lang na magtaglay siya ng mabuting katangian at repormana hindi lamang upang mapabango ang kanyang pangalan, kundi magpapaunlad sa buhay ng bawat mamamayan at ng bansa. Kung kaya’t mapapapatanong na lang tayo. Ano nga ba ang dapat nating asahan sa ating pangulo? Ano- anong mga katangian ang dapat nating taglayin? Ano-ano pa bang mga pagbabago ang sa kanya’y dapat nating hilingin?




               Ang Pilipinas sa taong 2017, nakung saan ay kasalukuyang nakalukluk ang ating Presidentena si Rodrigo Roa Duterte. Na kilala sa bansag na “Dirty Harry” ng Pilipinas. Dahil sa pagkakaroon ng kamay na bakal at sa pagiging agresibo nito sa pagpuksa sa mga masasamang loob at pagpapatupad ng batas na walang kinikilingan. Marami sa ating mga kababayan ang nagsasabing may mga nagagaganap ng mga pagbabago sa bansa. Partikular na sa usaping droga.

               Nasa unang taon pa lamang siya sa termino. At kung susumahin, mahaba haba pa ang ating lalakbayin kasama siya.





               Tayo bilang mga mamamayan, may mga gusto tayong pagbabago o platapormang isasakatuparan ng ating Pangulo at ng gobyerno sa mga daraan pang mga taon. Isa sa mga nais ng mga mamamayan ay ang pagpapalawig ng ekonomiya ng ating bansa. Pagkakaroon ng marami pang trabahong lokal at maging internasyonal man. Pagpapalawak ng ugnayan sa iba’t ibang bansa at pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa mga teritoryo ng bansa. 




               Naging kapansin-pansin ang pag-uugali ng ating Pangulo maging ang mga salitang kanyang binibitawan sa publiko. Kung kaya’t nais ng mamamayan na bawasan ang kanyang pagmumura maging ang pagbitaw niya ng mga hindi kaaya-ayang salita.
         Napakahaba pa ng terminong kanyang tatahakin. At marami pang pagbabago ang uusbong sa iba’t-ibang aspeto o larangan. Sa huli tayo paring mga tao ang gagawa ng hakbang tungo sa bagong magaganap sa ating bansa. Hanggang sa mga susunod pang mga taon at MABUHAY!!.

Comments